Sunday, July 19, 2009

when it rains, definitely it pours!

mabait talaga si Lord.

dahil kahit hindi pa ako nakarerecover sa mark herras incident na nangyari kamakailan lang, heto ako at nakaranas na naman ng shining moment...

dahil nabalitaan ko na mayruon nang wifi area sa network kung saan ako nagwowork, ayun sinubukan kong umepal at may-i-bring-along ako ng aking chipanggang lafftaf.

sa loob loob ko, bakit kaya hindi ko subukang gumawa ng blog post sa wifi hotspot baka kahit papaano, bumaha ang creative juices ko na unti unti na atang natutuyo.

bitbit si lafftaf , tatlong philip morris at isang baso ng ice tea, pumuwesto ako sa gazeebo.

nuong una, wala akong maisip na maisulat. as in.

kaya browse muna ako sa facebook and friendster accounts ko para tingnan ang pictures ni kenny na super namimiss ko na...

bukas ako ng blogger...pero after 30 minutes, wala pa rin.

sinubukan ko ngayong magpunta muna sa imeem para i-play ang 'emote' playlist ko dun...to set the mood ika nga nila.

pero anaknangbaog, natapos ko na yung mga playlist ko, wala pa rin akong inspirasyon.

binalikan ko na lang si blogger at binasa ang mga post ko.

in fairview quezon city, nakornihan ako sa mga kadramahan ko dati.

natawa din ako sa mga naisulat ko before, like yung tungkol sa chicken at maging yung mala-thesis kong blog post about sa dalawang nagmumurang kamyas na co-worker ko na hinahamon ata ang asim ni madam auring.

pero natuon ang atensyon ko sa blogpost ko about the mark herras incident.

paulit ulit ko siyang binasa at anumang mangyari, natatawa talaga ako sa kalandian ko.

hindi rin maalis alis sa isip ko kung paano ko nabitiwan ang mga katagang saranghae.

sa sobrang pag-eenjoy ko, hindi ko napansin na may kumakalabit na pala sa likod ko.

(muntik na rin kasi akong mapaindak sa nobody ng wondergirls na nagpe-play sa tuwing i-open ang blog ko)

natigil lang ang pag-iilusyon ko kay mark herras ng sabihin ng kumakalabit sa likod ko na 'nakakatawa naman ang post mo...as in'

muntik nang umusok ang ilong kong pango sa narinig ako.

aba, somebody's invading my privacy!

at dahil medyo bumaltik ang lola niyo, bigla kong hinarap ang epaloid na nagbabasa pala ng post ko from my back...

magtataray na sana ako ng biglang tumambad sa harap ko ang nilalang na ito...



napangiti na lang ako sa kaharap ko at bigla kong naisip, kasalanan ko rin naman kasi napakalaki ng fonts ko...
P.S. no, hindi ako napakanta ng 'nobody' ng wonder girls ng tumambad sa harapan ko si dex quindoza...pero sa loob loob ko, gusto ko talaga siyang tanungin bakit niya ibinalandra ang kaniyang kili-kili sa mossimo bikini summit while at the back of my mind, im singing 'one night only..one night only..we only have till dawn' <*kilig pepe*>

10 comments:

superjaid said...

macho!xet..kahit na na uber faithfuling sa jowa ko eh mapapakanta ng one night only kung sya ang kasama kong magkakasala,hahaha Ü

DN said...

nge?! bat binasa niya? pwede mo siya kasuhan! hahahaha.


type ka nya kuya!!! go na!!!

Aris said...

parang gusto kitang bisitahin jan sa network mo para jumoin sa stargazing moments mo. charing! :)

Ming Meows said...

inggit ako sayo gurl

&lt;*period*&gt;; said...

@super jaid:hindi lang siya pampamilya, pang isports pa...hanudaw?ahahaha

@DN:okay lang na binasa niya..kasi may bahagi naman ng katawan ko ang na-basa nang tumambad siya sa aking harapan..hahahaha

@aris:naku, corection, hindi ako nag star gazing...ang mga bituin ang lumalapit sa aking natural na hubog at ganda..bwahahahaha

@ming meows:ahehehehe..okay na rin ang mga pangyayari, kahit papaano nakawawala ng lungkot

ACRYLIQUE said...

Hehe. ito naman, wag ka na magtampo. Di rin kasi ako nakakbisita sa iba. Medyo busy-busyhan mode kasi. hehe.


Salamat sa pagbati. hihi.
Di pa rin ako nakakapanuod sa cinemalaya. :)

gentle said...

hehehe. i've previously worked in a network too, and tumatambay din ako nun sa gazeebo. :)

wanderingcommuter said...

hahahaha. kalandi! hahahaha

wanderingcommuter said...

hahahaha. kalandi! hahahaha

Mac Callister said...

as in yang guy n yan ang nagbasa ng blog mo?wow!why is he there?and who is he?ang macho ha!haha