Tuesday, November 10, 2009

2010





hindi kita iboboto kasi hindi ako aso na isinusubo muli ang minsan nang inuluwa


hindi kita iboboto kasi hindi maganda ang iyong naging biro na dapat dati mo pang naging tahanan ang malakaniyang.


hindi kita iboboto kasi hindi mo kayang harapan ang bangungot sa mga lupain ninyo


hindi kita iboboto kasi hindi totoong nagparaya ka...hindi mo matanggap na walang may gusto sa iyo


hindi kita iboboto kasi hindi ka tumutupad sa tungkuling inaatang sa iyong balikat... ginagamit mo lang ang puwesto mo para magkamal ng laman ng kaban ng bayan


hindi kita iboboto kasi hindi mo naaisip na mabulaklak lang ang iyong pahayag...subalit wala namang laman


hindi kita iboboto kasi hindi mo alam ang tunay na ibig sabihin ng katagang serbisyo publiko

hindi kita iboboto kasi mismong ang pamilya mo, hindi sumusunod sa iyo

hindi kita iboboto kasi nagtatago ka sa ilalim ng saya ng boss mo

hindi kita iboboto kasi ang naging tungkulin mo lang ay ang maging boses ng lipunan...hindi ka tumulong sa paghanap ng solusyon ng bawat hinaing

hindi kita iboboto kasi ginamit mo lang ang kapangyarihan mo para mangimpluwensya ng mga kapwa pulitiko

at mas lalong hindi kita iboboto, dahil kapangyarihan lang ang habol mo


'==============================

isang bagay na nawa'y maunawaan ng bawat pilipino, ang malungkot na katotohanan na hindi tayo umuusad

sa halip, lalo tayong umuurong pabalik na siyang dahilan ng lalo nating pagkakalugmok sa putik

hindi lang ang mga inihalalal sa pamahalaan ang solusyon sa problema ng bayan

ang pagbabago ay mula sa sarili.

sa pagkilala sa ating pinagmulan

sa hindi paglimot ng mga aral ng nakaraan

sa pagkilala sa ating kahinaan

sa hindi pagtigil sa paghahanap ng paraan para maitama ang bawat mali ng lumipas na pamunuan

walang silbi ang pagkakaroon ng mga pinuno na magdadala ng pagbabago kung ni isang kaluluwa ay mananatiling umaasa sa nasa itaas

maraming bulok sa sistema ng pamahalaan.

at ang paglilinis nito ay hindi lamang dapat iasa sa mga nanunungkulan

ikaw, bilang mamamayan, ay dapat bukas sa katotohanan na walang pagbabago kong iaasa mo lang ito sa kapwa mo

hindi sapat ang nasyonalismo upang baguhin ang bansa

dahil gabay lamang ito para matukoy ang ating kahinaan...maging ang mga aspetong dapat patatagin.

walang silbi ang pagmamahal sa bayan kung walang aksyon...

walang silbi ang aksyon kung hindi ito ipagpapatuloy

higit sa lahat,walang silbi ang pagpapatuloy ng aksyon kung hindi makikiisa ang lahat

minsan nang binanggit ng nagdaang panahon, ang pagkakaisa ang susi sa pag-unlad

ngunit tila katulad ng alaala, ang mga leksyon ng nakaraan ay dumaan na rin lamang at tuluyang nakalimutan

hindi ka pa ba napapagod sa paulit ulit na pagkakadapa?

hindi ka pa ba napapagod sa paulit ulit na paghahanap ng masisisi?

hindi ka pa ba napapagod sa paulit ulit na pagpaparaya sa mga gahaman?

hindi ka pa ba natututo?

kung gayon, kailan pa?

ano pa ang kailangang maranasan upang mamulat ang iyong mga mata sa katotohanan?

kailangan pa ba ng panibagong serye ng pagbubuwis ng buhay ng mga inosente?

kailangan pa bang magkaroon ng panibagong kudeta?

kailangan pa ba ng panibagong giyera?

o baka naman serye ng mga kalamidad na hahagupit sa iyong kalamnan?

malayo pa ang umaga.

may sapat na panahon pa para ikaw'y makapagpahinga

'==============================

may mga bagay na hindi basta basta puwedeng talikuran

dahil anumang gawin mong pagtakas, pilit ka nitong babalikan


video credits:http://www.youtube.com/watch?v=6rebHETHuaU

Sunday, November 8, 2009

the ending of the kuya chronicles:kuya marvs

kamusta na ang buhay OFW, aking kuya?!

ano, hindi ko na idinaan sa THE KUYA CHRONICLES kasi nabanggit ko na rin naman dati dun sa post na 'alpha and omega' na ikaw si kuya.

anyways, this time, naniniwala na ako na ang aking kuya, na si marvin tomandao, ay talagang nasa singapore na

imposible namang photoshopped ang picture mo na yan sa may merlion noh?!

alam mo, masaya ako para sa iyo.

lalo na nang banggitin mo sa facebook na in a week, nakapagpadala ka na sa pamilya mo at nabili mo na yung gusto mong sony cybershot digital camera. ang galing!

eh di lalo na siguro kapag natanggap mo na yung permit mula sa ministry of manpower diyan.

aba, di ba part ka nung magiging pioneer batch ng universal studios diyan sa singapore?!

bonggang bongga ang sweldo mo niyan kuya, ahahahaha!

pasensiya ka na kung hindi ako gaanong nakapagpadala ng mga mensahe sa iyo.

alam mo naman ang trabaho natin, palaging busy.

pero knowing how happy you are, napakasaya ko na rin.

it's a dream come true for me.

kasi alam ko na napakasaya mo diyan.

yun nga lang, sana naman huwag mong pabayaan ang sarili mo.

palagi mo akong nasesermunan na wag masyadong pababayaan ang sarili, eh ngayon ko narealize, mas hectic ang schedule mo diyan ah!

sayang nga lang, kasi hindi natuloy ang plano ko na makalabas tayo.

kaw naman kasi, busy ka sa pagkanta ng 'we're all in this together' ala high school musical sa kung saan saang birthday party eh.

biruin mo, yun pa pala ang magiging daan para makapasok ka diyan

naniniwala ako na it's really meant for you.

kasi di ba, nagbakasakali ka lang na mag-audition dati, tapos ayun. ahehehe

alam naman namin dito na natanggap ka diyan, pero nemen, binigla mo naman kami na ganun na pala kabilis na aalis ka na.

eh ilang days lang bago ka umalis, nag-cover ka pa ng bagyo sa aurora ah!

hehehe.

kakagawa ko palang nung post ko na 'para sa 'yo' na mayruong pix nung dilaw na smiley ball kasi naconfirm mo sa akin na natanggap ka...tapos bigla bigla na aalis ka na pala.

oo kuya, nakatago pa rin sa backpack ko yung iniwan mong 'halo" (halo...halo..halo..halo...ala beyonce)

maldita pa rin ako kung minsan, pero minsan na lang yun...:')

at oo, natuto na akong bitawan ang mga itinuring na kaibigan na puro pasakit lang ang idinudulot sa akin

at oo, medyo nakakaipon ako ng konti kasi dumami na rin yung mga kliyente ko sa raket ko. madami ka palang kilala, at puro generous magbigay!ahahahaha

minsan, nakakaramdam pa rin ako ng pangangapal ng batok. pero mas tolerable na ngayon. mas kaya ko na ang maghandle ng hypertension kumpara nuon na halos iuntog ko ang ulo.

last weekend nga, akala ko biglang tumaas ulit ang blood pressure ko. buti na lang, trangkaso lang pala...pero being the workaholic in me, pumasok pa rin ako sa trabaho.hehehehehehehe.

uy, remember the person ive been telling you sa pagpapalitan natin ng mga mensahe. tama ka nga, dapat lang bitiwan ko na lang yung mga ganung tao. kasi a real friend wouldn't do that on his friend.

oo nga eh, nung minsan na humingi ako ng saklolo sa kaniya, nasermunan pa ako kasi masyado daw akong nagiging dependent sa iba. pero nung may nangailangan ng tulong na kakilala niya a few months ago, siya pa ang nag-offer ng tulong.

oo nga ano, kuya marvs, bakit hindi ko napansin yun?!

eh considering hindi mo naman nakikilala pa ng personal yung tao. talagang nagiging kuya ka na sa akin

(tanda mo pa ba ang dahilan kung bakit kita tinawag na kuya gayung mas matanda ako sa iyo ng isang taon?! eh ikaw eh, sabihan mo ba naman ako na mukha nang trenta anyos. ahahaha, tapos ilang beses kang nagyaya ng inuman kasama ang ilang mga ka-berks natin na taga media rin..pero sa tuwing pwede naman ako, saka mo sasabihin na beer ang iinumin.ngaikz. ang lakas din ng trip mo kuya marvs..aminin mo man o hindi, pero obvious na paborito mo ako..paborito mo akong gawing laruan kasi kamukha ko si eugene domingo..ahahahahaha)


minsan, hindi ko maiwasan na hindi ka ma-miss...oo naman, kasi wala na akong natatanggap na text out from nowhere na 'i know you God would bless you' at iba pang sweet and inspiring messages from you.

alam mo ba na parang coincidence na sa tuwing padadalhan mo ako ng ganun eh medyo may mga pinagdadaanan akong problema. eh hindi naman ako nag-oopen sa iyo!ahahaha, soulmate yata tayo.ahahahaha.

so paano ba yan kuya, paalam na muna?!

may mga tatapusin pa ako

baka naman magagawan mo ng paraan na ma-video ang performance mo sa singapore, post mo sa facebook.

at oo, totoo, pag nakaipon ako, bisitahin kita diyan sa singapore

nga pala kuya marvs. 8.5 ang size ng sapatos ko.fahrenheit ang paborito kong pabango.bwahahahahahahahahahahaha. ROFL.

ang pinakamakulit mong kaibigan,

erick go dong hae alyas erick frago





Friday, November 6, 2009

usapang paa

masaya ako sa aking mga paa.

paano ba naman, kahit medyo nasa moreno side ang kulay ng balat ko, proud ako na mamula-mula ang aking talampakan at sakong

(oo, hindi na mabilang ang beses na napagbintangan akong naglalagay ng merthiolate para maging mapula ang aking sakong..duh?! biro naman ng lola ko, siguro raw ay tinotoo ko yung biro niya na ang pinakamabisang paraan upang maging mapula ang sakong ay ang paglublob nito sa bagong labas na t*e ng kalabaw...sapat lang daw kasi yung init nun para maging normal ang daloy ng dugo sa paa, na siyang dahilan naman ng pamumula nito...nakatutulong din daw yun para mawala ang kalyo.pero kung yun din lang ang solusyon para sa magandang paa, patawad lola, pero sabi ng samin sa batangas--yae na lang!hahahaha magtitiyaga na lang ako sa 1 1/2 hours na pagmasahe ng sariling paa gabi gabi bago matulog)


malaki rin ang silbi ng aking mga paa kasi sa nature ng work ko, malimit akong naglalakad.

in fact, naglalakad lang ako papasok sa trabaho.

pero may mga pagkakataon na bumibigay din ang aking mga paa kahit kailangan ko siya.

paano pa ba naman kasi, walang 'kasko' ang aking mga paa (flat footed po. tingnan nyo yung kasunod na litrato para maging malinaw...)

sa aming pamilya, ako lang ang ganiyan ang paa.

in fact, ang tawag nga sa akin ay lampa.

kasi madali raw akong madapa kahit sa dumi ng bulate (scientific explanation:walang balance ang mga flat footed na tao kaya madali silang mapagod sa paglalakad o kaya naman ay ma-out balance)

at ang malimit kaakibat ng pagkakaroon ng mga paang walang kasko (ano nga ba ang tawag sa ganun sa tagalog? sa amin kasi sa batangas, kasko ang tawag sa curve ng talampakan) ay ang pagkakaroon ng mga paang hindi proportion-ed ang haba at lapad.

at dun na pumapasok ang isa sa mga dilemma ko--ang pagbili ng sapatos.

dahil nga malimit naglalakad ako, ang kataasan nang itinatagal ng aking mga sapatos ay 1 o 2 taon. at dahil ang mga sneakers naman ay hindi napapalitan ang suwelas, no choice kundi bumili ng bago (oo, hindi lang dahil sa kuripot ako, kundi dahil hindi ko pinangarap maging imeldific...)

at kapag bumibili ako ng sapatos, tiyak mauubos ang pasensiya ng kasama ko dahil kulang talaga ang maghapon bago makabili.

una, dahil pilian ako sa disenyo.

hindi ako artista na madami ang sapatos. in fact, palaging isang leather shoes at isang sneakers/ rubber shoes type ang pampaa ko. malimit pa nga ay naka-sandals lang ako kapag lumalabas sa day off kasi gusto kong nakakahinga ang aking mga paa (read: gusto kong ibalandra ang aking mapupulang sakong)

kaya naman gusto kong ang mga sapatos ko ay yung pwede iterno sa kahit ano

at dahil napalusob sa baha ang aking greenhills shoes (ahihihi, bili sa greenhills...in fairness, kahit chipipay siya, tumagal siya ng 2 taon), bumigay na ang japeyk na partner ng aking mapulang sakong.

at dahil (ulit) may tali yung huli kong sapatos, i decided na bumili nung walang tali. una kong nilibot ko ang mga bilihan ng sapatos sa trinoma. kung hindi swak sa budget, hindi ko feel ang kulay ng nagugustuhan kong design.

after 2 hours, lipat ako ng sm north. pasok sa budget ang mga natitipuhan ko.kaso yung kulay, hindi pasok sa mga damit ko. may nakita akong shocking pink na converse. muntik ko na siyang bilhin nang maalala ko na karamihan sa damit ko ay light green ang kulay (hmmm, ampanget. dapat ang mabibili kong sneakers ay pasok sa banga sa lahat ng damit ko)

lipat naman ako sa megamall. tapos MOA. malapit na akong mag-give up nang may magsabi sa akin na may shoe display ngayon sa kumpaniya namin.

shoe.

display.

sa loob ng GMA.

wow, ibig sabihin sale siya sa mga empleyado.

at pwedeng i-charge (bawas sweldo through GMA-7 employee's cooperative, and pwedeng in schemes na magiging maluwag sa bulsa...at kapag ganun, may konting interes, 5-10 % na tiyak namang papasok sa dibidendo ko dahil miyembro ako ng coop)

bigla tuloy akong napakanta ng amazing grace.

pagpasok ko pa lang sa waiting room sa coop canteen (kung saan matatagpuan ang shoe display, bigla akong na-inlove sa disenyo...kulay...at higit sa lahat, sa presyo)



simple lang siya. at dahil hindi masyadong light o dark ang pagka-blue, pwede ko siyang iterno sa anumang tshirt/polo shirt/polo at mga pantalon ko
maganda rin yung pagkakaroon niya ng white na design kasi pambasag ng monotonous blue color nung sapatos.
hindi rin siya yung tipong masyadong pambagets ang design (ewan, im only 25 pero kapag masyadong pang high school yung design ,kahit gaano siya kaganda, hindi ko feel)
and the best part about this, sa 5% interest sa on-sale prize niya (1 month na bawasin sa sweldo, 2 gives) na umaabot lang sa almost 75 pesos (compute niyo na lang kung magkano siya,ahehehe), aba, jackpot na ako!
lalo na nung magtingin ako sa mga stores at makita yung mismong price niya, lalo akong natuwa. kasi kahit gawing 25% yung interes, mas mura pa rin yung nabili ko kumpara kung bibilhin ito sa stores.
okay na sana, kaso nang susubukan ko na siyang isuot, eto ang hitsura--

dahil flat footed nga po ang lolo ninyo, hindi rin proportion-ed ang haba at lapad ng aking paa.
kung ang pagbabasehan ang haba, ang shoe size para sa akin ay size 6.
pero kung ang pagbabasehan ay ang lapad, ang shoe size ko ay 8.5
sa height ko na 5'4, malimit nabibiro akong boyoyong clown dahil sa 8.5 na size ng mga sapatos ko.
kailangan kasing size 8.5 ang mga sapatos ko, or else, baka matulad ako dun sa mga tinatawag na lotus feet sa china.
pero kebs na.
gusto ko yung shoes.
ahehehehe.
(naisip ko lang, kung may nabibiling pampahaba ng toot, may nabibili rin bang pampahaba ng paa?!balitaan niyo naman ako.hehehehe)







Thursday, November 5, 2009

THE NYMPH


i may have faded away
but my voice will always stay
-echo

Wednesday, November 4, 2009

kitchen diva series:chunky pinoy seafood macaroni

okay, okay.

i decided na maging kitchen diva na naman.

una, kasi binubukbok na yung macaroni dito sa kuwarto ko.

pangalawa, andami ko nang naiipon na sachet ng tomato ketchup mula sa mga fast food.

pangatlo, walang magawa.

so, heto, nag-experiment na naman ako.

INGREDIENTS:


*1 small can, mega sardines in natural oil (reserve the liquid, alisin yung matigas na gitnang parte ng sardinas, tapos mash it with garlic powder)

*1 small can of century corned tuna (reserve the liquid)
*1 small can of button mushrooms (reserve the liquid)
*3 sticks of crab sticks, sliced thinly (optional--shrimp/squidballs)
*2 large onions, finely chopped
*1 tiny red bell pepper (as in maliit lang para hindi masyadong magtalo ang lasa)
*macaroni (cooked according to package instructions..pwede rin ang penne pasta)
* maraming sachet ng tomato ketchup mula sa mga food chain take outs (or 1 small pouch of tomato sauce)
*dried oregano
*garlic powder

(garnishing)
*2 small sachets of cheez whiz
*1 itlog na pula/maalat



PROCEDURE:
1. paghaluin yung liquid mula sa botton mushrooms, sardines in natural oil at konting oil mula sa corned tuna. haluan ng garlic powder ang dried oregano. set aside.

2. mag-gisa ng sibuyas hanggang maging limp ito. kapag caramelized na yung sibuyas, add the drained mushrooms. continue lang ang paggisa hanggang maluto yung mushroom.
3. now add the tomato ketchup mula sa sachet (or tomato sauce if you are using one).

4. ituloy lang ang paghahalo hanggang sa maging thick yung liquid.now add the dried oregano ang continue stirring.

5. add the chopped crab sticks.
6.now, add the reserved liquid from the mushroom, tuna and sardines. let it boil.

7. kapag nag-boil na, add the mashed sardines with garlic powder.

8. now add the corned tuna.

9. when the sauce gets too thick, add some water. if not, ilagay na ang chopped bell peppers.

10. let it boil.

dyaran, the finished product--
side comments.
1) the sauce yielded more than what i expected. halos umapaw yung malaking lalagyan ng lydia's lechon.

2)tirador talaga ako ng mga naka-pack na ketchup. kung nanunuod kayo ng cool center sa gma 7 tuwing sabado ng gabi, tiyak nakikita niyo si mister karinyoso.anchor namin siya sa dzbb.at dahil mabait naman siya sa akin (at palaging sinasabi na kahawig ko raw si eugene domingo), kaya ayun palagi siyang nagte-treat. kapag holidays din, o bigla akong tamaan ng hunger pangs kapag GY yung shift, nagpapadeliver kami.kaya naman nakapag-ipon ako ng madaming sachet ng ketchup..sa recipe na ito, ganito karaming sachet ang nagamit ko...(actually, napakarami pa nung natira)

3) sa mga takot sumubok ng seafood sa mga tomato based pasta dishes, huwag kayong mag-alala, wala itong lansa kumpara sa mga bi now, gay later na nagkalat sa kung saan saan.hehehe. kasi unang una, caramelized yung onions kaya medyo matamis yung pasta, tapos gumamit pa tayo ng oregano and garlic powder.

4)may nabibili sa mga supermarket na 'seafood cocktail' ata ang tawag.you can replace every seafood item used here with that kung good for two persons lang ang lulutuin. ang laman nung seafood cocktail ay shrimp, tahong, squid, crab meat.pero kung ganun ang gagamitin, dagdagan lang ang garlic powder para hindi malansa.

5) originally, plano ko talagang magluto nito para kay 'taong ito' i mentioned in my previous post. kaso ayun nga, nadiskubre ko ang lihim niya kung bakit sabi niya, qoute,unqoute 'hinihiwalayan ko sila agad..pinakamatagal ko nang relasyon ay one-two weeks, tapos hinihiwalayan ko agad sila.'..naku, katakot.buhay na horror character ito.ewk.

6) hmm, isa ito sa dilemma ng mga solo flight sa bahay na nagluluto.kaya pasensiya po kung yung amount of servings niya, hindi ko matantiya for 2 servings lang. just imagine yung reaction ng mga tindera sa palengke kapag sinabi ko na pabili nga po ng 1/2 kilo ng karne tapos after 3 days pa ako bibili ulit.hehehe.

7) flexible din ang recipe na ito, kung ayaw mo na siyang kainin as pasta, pwede mong pagsamahin yung sauce and yung macaroni, add some fish stock, finely chopped carrots and garlic or celery or basil or dried oregano, and yun, mayruon ka nang minestrone ba ang tawag dun?!

8) kung napansin ninyo hindi ako gumamit ng asin, kasi po sapat na yung flavor nung liquid na ginamit natin bilang stock.tapos medyo matamis ng konti kasi caramelized yung onions. pero you can add salt kung gusto niyo ng konti pang alat.

9) you can also use celery instead of oregano.yun nga lang, ang downside nito masyadong 'malasa' ang celery. tipong natatalo ang lasa nung seafood.

10) nagcompare notes ako sa dalawang brand ng corned tuna. mas malasa yung isa kumpara sa isa. (in fact lasang imported corned beef yung isa) yun nga lang, umabot sa 56% ang sodium content nung mas malasa kumpara dun sa isa na 10% lang.so, the hypertensive in me chose the latter.

11)mukhang mamahalin ang recipe na ito, pero actually hindi

macaroni--Php 38

corned tuna--Php 24

mega sardines in natural oil--hindi ko alam, bigay kasi ng advertiser (pero ipagpalagay natin sa Php 17)

3 pieces of crab sticks--Php 19

2 large onions-- Php 14

1 tiny bell pepper--Php 4

small can of button mushrooms--Php 18

dried oregano and garlic powder--Php 13 pesos (yung nasa plastic pack lang siya ha)

2 sachets of cheez whiz--Php 8.50 (presyong supermarket)

1 itlog na pula--hindi ko rin alam kasi bigay lang ito (ipagpalagay natin sa Php 12)

total=Php 167.50

(yung picture sa taas is actually equivalent to 2 servings for me)

ang servings nung sauce ay good for 8-9 servings

kaya lumalabas na Php167.50/8=Php 20.94 per serving (o Php 18.61 per serving kung aabutin siya ng 9 servings)

happy eating!

Tuesday, November 3, 2009

random rants season three

okay now, inaaamin ko na...

pinagsisisihan ko ang mga sumusunod

1)ang hindi pagsunod sa kung anumang hangarin ng aking puso--gustuhin ko mang tularan si wandering commuter, hindi talaga puwede.hindi rin maaaring gamitin dito ang pilosopong kasabihan na kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan..nang mabigyan ng pagkakataon na makalayas sa probinsya, sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ako babalik duon hanggat wala pa akong maipagmamalaki.

i grew up longing for appreciation.anumang gawin ko, wala lang sa amin. lahat nakatuon dun sa matalino kong kapatid na nakabuntis ng teacher niya at hindi ako tinulungan sa pagaaral ko.i tried my best to be good in school and brought home almost 30 medals since high school (half of which ay mula sa competition outside batangas province).yun ang sukatan nila ng galing ng anak nila. pero wala, deadma. right after nung graduation ceremonies, kung saan tumanggap ako ng medalya bilang cum laude, mas pinili kong lumuwas na agad sa maynila (nagta-trabaho na ako nun) kasi pagdating sa bahay, nagbihis lang agad ang mga magulang ko at nagtuloy ng mga gawain na parang walang gumradweyt na anak. ni isang congrats, wala. may sinabi naman pala sila...dapat daw tinaasan ko pa yung mga grades ko para ako yung nag-farewell address

ganun sa bahay. magkamali ka lang ng konti, bugbog ka na.wala kang karapatan magpaliwanag ng side mo...walang pinag aralan ang tatay ko, kaya malimit baluktot ang pananaw niya..pero palagi pa rin niyang igigigil na sya ang dapat masunod kasi siya ang matanda..hindi siya umaamin ng pagkakamali at ipinapasa sa akin ang sisi, kasama ng palo..kung anong alam niyang tama, yun lang ang tama.kaso malimit sa hindi, mali ang alam niyang tama.

kailanman, hindi nila ako sinuportahan sa anumang gawain ko.ang teatro, pagsusulat, pagiging d-j, photography...ang palagi nilang gusto, kailangan yung may malaking kita para mabayaran yung mga utang nila...gusto nilang mabuhay ako sa kung paanong paraan na gusto nilang maging ako.isinantabi ko ang mga pangarap ko dahil na rin sa kunsiderasyon sa kanila.tapos ngayon, ako pa ang magiging taga salo ng mga problemang sila ang gumawa.

kahit sa school, nale-left out ako. you see, ang kursong maskom ay hindi para sa mahihirap na estudyante. bagamat sa lahat ng school, ang LACOMED courses (liberal arts, commerce and education kung saan kasama ang maskom) ang pinakamura, isang open book ang pagiging magastos ng masscom. walang gustong makigrupo sa akin kasi alam nilang maliit lang ang kaya kong i-contribute na pera.kaya malimit solo ako sa mga projects, avp,etc.

nung highschool ako, ganun din yung problema. nasa star section ako, and ako lang yung mahirap sa klase namin. nobody wanted me in kasi mahirap lang ako. habang sila ay nagkukuwentuhan kung magu-UST, UA&P, ATENEO o DLSU-TAFT sila, ako namumrublema kung makakakapagkolehiyo pa ba ako.

kaya naman ng bigyan ako ng pagkakataon na makapagtrabaho, sinabi ko talaga sa sarili ko na patutunayan kong nagkamali sila sa sinabi nila na wala akong mararating. hindi ako maaaring mabigo. ito na lang ang tanging pinaghahawakan ko para naman makumbinse ko ang sarili ko na may silbi ako...na may maipagmamalaki ako...kahit ni isa sa paligid ko, hindi nagtiwala sa kakayanan ko...kahit palagi nila akong iniiwan sa ere..kahit palagi lang nila akong nakikita kapag may kailangan sila...at kapag nagkamali ay kulang na lang isisi sa iyo ang lahat ng kamalasan sa mundo.

hindi ako puwedeng mabigo. dahil sa mata ng lahat, isa akong malaking failure.walang mararating.walang silbi.

gusto ko namang kumbinsihin ang sarili ko na mali sila.

kaya no choice ako kundi mag-hold on kahit ayaw ko na.

so help me God.

2) ang hindi pag-amin sa sarili na hindi na ako masaya sa ginagawa ko--nakachat ko sa facebook ang isang kaibigan at mentor, si direk rey defante gibraltar (when timawa meets delgado). siya yung direktor namin sa teatro liceo dati. inimbitahan niya ako sa premier night ng bago niyang pelikula, ang WANTED:BORDER starring rosanna roces at bahagi ng cinema one originals (NOVEMBER 13, GATEWAY MALL)..yun din daw ang opening movie nung cinema one originals this year. bigla akong nalungkot. nuon kasi, malimit kaming magkuwentuhan ni sir rey...nang mga frustrations ko, ng mga pangarap ko...sabi niya, effective daw akong komedyante sa teatro, at sabi niya, may mata daw ako sa pagkuha ng mga litrato..kaya naniniwala siya na maganda raw na pasukin ko ang mundo ng pelikula...palagi niyang pinupuri ang mga nagagawa kong screenplay at mga one act play...gusto niya yung mga twist and turns ng stories ko...pero sabi ko kay sir, hindi ko kayang walang regular na suweldo.wala akong aasahan sa pamilya ko...alam ni sir rey na galing ako sa hirap, literal na wala. kaya gustuhin ko man ang sundan siya sa kaniyang imbitasyon na pagdalo ng mga workshop sa PETA, pag-aaral ukol sa pelikula, teatro at pagsusulat, kinailangan kong tumahak ng ibang landas. mabuti pa si sir ray, kung dumating man sa puntong mabigo at mawalan ng pera, mayruon siyang mauuwian at mananatiling kaniyang taga-suporta.

ito ang dahilan kung bakit hindi mag-sink in sa akin sa palaging sinasabi nila na, erick, hindi ka nag-iisa..maraming nagmamahal sa iyo...puro kaplastikan ang dating sa akin dahil simulat sapul kapag nangailangan na ako ng tulong, hindi na ako humihiyaw pa sa iba kasi wala rin namang tutulong.

sa mga oras na tulad nito ko naiisip yung mga estudyanteng mayayaman na nagpapabaya lang sa pag-aaral..sila na may sapat na kakayanan, sila pa yung nagpapabaya.kung ako yung nabigyan ng maraming pera, nag-grab na ako ng opportunity na sundan ang pangarap ko..

kaya bagamat wala akong magawa kundi ang manatili sa trabaho ko, ang tanging magagawa ko na lang ay ang maging maligaya para kay sir rey.kasi nakuha niyang gawin ang gusto niya, at naging matagumpay...hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng pagkakataon na makapag-aral sa isang film school at maging isang film maker, pero sa ngayon, makikihati na lang muna ako sa tagumpay ng aking mentor at kaibigan.

3)ang hindi paniniwala sa kasabihan na curiosity kills the cat--kung gugustuhin ko rin lang naman, kayang kong dukutin ang mga impormasyon na aking kakailanganin...dahil na rin sa nature ng trabaho ko, nagkaroon na rin ako ng ilang koneksyon sakali mang kailanganin kong gumawa ng back ground check. minsan, hindi ko ginagamit kasi kapag nangailangan ako ng info, halos ukol na sa buong pagkatao ang report na natatanggap ko. tulad na lang ng nangyari recently.somebody keeps on pestering me. ang pagkakamali niya, nakapost sa facebook niya ang tunay niyang pangalan. isang text ko lang sa contact ko and in 2 days, nakakuha na ako ng impormasyon kung ano ang pinaghuhugutan ng kaniyang insecurity at bakit walang ibang ginawa kundi ang mangbuwiset..at dagdag na bonus, ibinigay din sa akin ang mga lugar na malimit nitong puntahan, address ng bahay, contact info ng mga magulang, schedule sa klase at kung ano ang weakness nung buwiset na yun (just in case gusto kung gusto ko raw ipatira at turuan ng leksyon).sabi ko no, sapat nang malaman ko ang dahilan ng pagiging balahura ng nilalang na yun...

so anong relevance nito?!i just discovered something about someone recently..something na hindi ko pa dapat malaman.at dahil dito sa revelation na ito, biglang gumuho ang mundo ko at nawalan ng gana sa lahat ng bagay.dapat siguro, hinayaan ko na lang na siya mismo ang mismong sumagot ng tanong na 'bakit?!'...

how am i going to explain it nang hindi nagbibigay ng kumpletong detalye?!haaay, ganito. nagtreat ako sa contact ko, natripan namin kumain sa labas tapos maginternet.siyempre sagot ko yun.at dahil ugali kong magsoundtrip habang nagbabasa ng email, nagbubukas ng facebook, friendster at nagba-bloghop, hindi ko narinig na tinatawag na pala ako ni contact.hindi ko alam na nasa likod ko na pala siya at nababasa yung email mula kay 'taong ito' na kasalukuyang binabasa ko..ang hindi ko alam, kilala pala niya si 'taong ito'.and he started telling me stories (na nagja-jive naman sa mga kinukuwento sa akin ni 'taong ito'..ibig sabihin, magkakilala nga sila)..pero mayruong isang tanong ang hindi ko naitanong kay 'taong ito', at yun ay ang 'bakit ka nagkaganiyan?!' na accidentally ay nasagot naman ni contact sa lahat ng kaniyang mga ikinuwento...pakiramdam ko, bigla akong binuhusan ng malaming na tubig habang natutulog..

bakit?! kasi si 'taong ito' pala yung tipo ng tao na hindi ko gusto...tipong hindi ko makakasundo...na ayaw kong makasama...dahil sa sex lang ang gusto niya..sex centered relationship...so why make a fuss over it?! 'taong ito' is actually making some subtle advances on me...and yup, he said he likes me.kung nagkataon pala na sinunggaban ko yung opportunity na maging kami, siguro naging sex slave lang ako.

gusto ko siya. pero alam kung hindi ko matutugunan ang sexual needs niya. ang kailangan niya ay isang therapist.

psycho-therapist.

hindi niya alam na alam ko na.

at hindi ko alam kung paano sabihin sa kaniya na yun ang dahilan kung bakit ayaw ko sa kaniya. (may isang bahagi ng aking nakaraan na may kinalaman sa usaping sex ang hanggang ngayon ay hindi ko pa kayang harapin)

yan ang hirap ng walang napapagkuwentuhan ng mga bagay bagay.punyeta.



'===================================
hindi ko alam kung ito ba yung quarter-life crisis.

basta ang masasabi ko lang, mahirap palang dibdibin na lamang.

mabigat sa pakiramdam.



Monday, November 2, 2009

time space warp part 2

mahilig akong manuod ng tv nuong bata ako

iyon ay sa kabila ng katotohanan na 3rd year highschool na ng magkaroon kami ng colored tv.

nuon, ang tv namin ay yung mayruon lamang 13 channels, walang remote, black and white at nakalagay sa loob ng kahoy na parang aparador. (nuong nagpakontes dati ang channel two ng pinakalumang tv set kasabay ng kanilang golden anniversary celebration, siguro naging finalist na yung tv namin...)

napilitan lang kaming magpalit ng tv kasi nasira na yung cathode ray tube sa loob niya, tapos dahil sa kalumaan na rin, wala nang makitang piyesa (oo, siya yung tipo na may dial na pinipihit para mailipat ng channel..yup, we were that poor)

tuwang tuwa pa ako nuon kapag nanunuood kami kasi kahit sinasabi ng nanay ko na black and white yung tv, hindi naman siya kulay black and white..nilalagyan kasi siya ng blue na screen na para hindi raw makalabo ng mata ng mga nanunuood...(para siyang color bars, yun nga lang kulay blue siya) kaya naman ang mga nakikita ko sa tv, ibat ibang kulay ng blue.

(side story: sayang nga lang, nung umalis kami sa apartment na aking kinalakihan, kinailangang iwan yung tv kasi wala na rin namang mapapaglagyan...fast forward to 2009. napadaan ako dun sa apartment na yun, medyo renovated na at naging boarding house na siya...napachika ako sa ilang nakatira at literal na natigilan ako nang makita ko na yung parang aparador na kahon na pinaglalagyan ng tv namin dati, ginagamit nila bilang estante..alam kong sa amin yun kasi andun pa rin yung bilog na sticker na kulay dilaw na may disenyong princess jasmin...free yung sticker na yun sa isang brand ng instant chicken noodles nuong panahon na ipinalabas sa sinehan yung aladdin...at inilagay ko yun kasi sabi ko yun ang magiging tatak nung tv namin para naman magmukha siyang branded..)

subalit sa kabila nun, paborito ko pa rin ang manuod ng tv.

in fact kahit 25 na ako, at sawang sawa na sa pagharap sa tv (dahil na rin sa nature ng trabaho ko), may mga ilang bagay na tumatak sa isip ko at oo, minsan ay hinahanap hanap ko kapag nagbubukas ako ng telebisyon

1. home tv shopping--grade three ako nang una kong makita ang ganitong uri ng palabas sa tv. gabi nun at nabuksan ko ang channel five (ito yung panahon na ang primetime shows nila ay english sitcoms, at ang station ID nila ay mayruong malaking parang android na tumatalon..kasabay ang tagline na 'THE BIG LEAP'). ang produkto nuon ay isang pampaliit ng tiyan..aliw na aliw ako sa mga ipinapakitang mga lalaki na mayruong six pack abs, tapos fast paced yung video at talagang maeengganyo ka talagang tumawag sa mga numero nilang 1-800-ek ek...ok na sana yung strategy nito, dangan nga lang sa huling bahagi ng bawat product presentation,,,yung may magsasalita na 'but wait, if you call within the next five minutes, you'll get this for free (sabay labas ng isang produktong kalimitan ay wala namang kinalaman sa produktong ibinebenta..e.g. pampaliit ng tiyan yung ibinebenta, pero ang free niya ay isang kakaibang uri ng gamit sa kusina)

2. caselyn francisco--siya ang dahilan kung bakit ko ninais maging bahagi ng mundo ng teatro..galing na galing ako sa kaniya sa kabila ng katotohanan na hindi naman siya maganda. isa siya sa lubos na hinangaan nuon sa that's entertainment kasi magaling siya sa mga skit...at bagamat hindi naman siya naging sobrang laking bituin dito sa atin, balita ko naging KIM na rin siya sa miss saigon (germany yata)...according to my research, sa the netherlands na siya naka-base at isang kilalang theather artist duon

3. at dahil nabanggit na rin lang si caselyn francisco, andiyan na rin ang THURSDAY GROUP ng that's entertainment--malupit ang thursday group kasi kapag saturday edition kung saan naglalaban laban ang ibat ibang group sa mga production number, malimit sila ang winner..at ang trademark nila ay muslim dance..at oo, dumating sa puntong binantaan ng mga grupong muslim si kuya germs kasi may sinayaw ang thursday group na isang sagradong ritwal ng mga muslim..isa raw iyong uri ng panalangin nila at hindi puwedeng basta sayawin in public at ng hindi mga muslim...akala ko nuon tsismis lang yun.pero nung umatend ako ng birthday lunch with the president (yung mga birthday celebrators for the month, may lunch kasama yung president namin na si ATTORNEY GOZON, tapos may mga kakanta na artista, tapos bibigyan ka ng memorabilia), nakuwento ni attorney gozon yun kaya biglang humagalpak ng tawa si kuya germs

4. lilet--hindi ko alam ang tunay niyang pangalan, pero sikat din siya nuon,,kasi kung ano ang ikina-amo ng mukha niya, siya namang ikinalaki ng boses niya (nope, hindi naman kagaya ng kina charice at jaya)..malimit siyang may solo numbers sa tv. at lumabas pa sa isang tv commercial ng coke...memorable siya kasi lilet ang tawag sa akin dati.LILET-TSUNIN.amf...! 2003, nagreturn of the comeback siya via the name marielle, pero mas nagustuhan yata ng tao ang buhok niya nuon na tila hindi sinusuklay at nasosobrahan sa pagka-tiss kaya hindi na siya sumikat..asawa na raw niya yung guwapong lalaki na anchor ng news cast ng channel 9 kapag gabi.

5. ang batibot--naman, hindi ko na siguro kailangan pang magkuwento kasi lahat tayo nag-abang kung magkakatuluyan ba si kuya bodjie at ate sheena...at kung ano ang magiging bunga nung malaking puno na may sementadong upuan na sentro ng kanilang set.love ko ang batibot kasi mas award winning pa siya kesa sa sesame street (check ninyo sa google)...naging memorable din sa akin ito kasi nakakuha ako ng uno sa subject na educational broadcasting nuong college dahil sa paper ko na comparative analysis of batibot and koko kwik kwak (or why using koko as the main character of batibot's spin off killed locally produced educational tv shows)..tambling ang prof ko at sinabi pang sana raw ipakita ko yung paper sa producers ng batibot at baka daw buhayin ulit ang batibot (huli na ng nalaman ko na kahit college na nuon ang prof ko, nanunuod pa rin siya ng mga nirecord niyang episodes ng batibot kasi favorite niya yun)

6. banig--naku, hindi yung hinihigaan..banig roberto. siya yung older version ni charice pempengco.napanuod ko siya nuon sa channel nine (channel 2, 7, 5, 9 lang ang channel namin nuon sa lumang tv..suwerte minsan kapag nasasapok yung tv, nagkakaroon ng channel 13) at nanalo siya sa isang singing contest sa abroad...kaya raw banig ang tawag sa kaniya kasi nag-iihi sa banig.

7. si tuxedo mask--ito ang unang kinabaliwan ko na male character sa isang cartoon (oo, bago ko pa man kinabaliwan si serabi ng akazukin chacha)..aliw na aliw ako dito kasi palagi siyang to the rescue kapag pumapalpak si sailormoon..at siyempre ang pamatay na trade mark niya na rosas na pula na sya namang dahilan ng pagkabaliw ng ibat ibang kasamahan ni sailormoon na ang pangalan ay nagmula sa ibat ibang heavenly bodies (nagkaroon kaya ng sailor star dust? o kaya naman ay sailor milky way?sailor andromeda?!)

8. belle star dancers--hanggang sa ngayon, hindi pa rin maarok ng aking makulit na isipan bakit kailangang punuin ng kung anu-anong anik anik ang taas na bahagi ng mga belle star dancers tapos naka-tangga lang naman sila malimit..aminin ninyo, di ba, hindi balanced?!bigat na bigat ako sa mga head dress nila tapos halos lumabas naman ang kuyukot..and in fairness, hanga ako sa kanila kasi ang liksi nilang kumilos sa kabila ng mabibigat nilang suot...sa mga hindi ma-imagine kung ano ang belle star dancers na siyang palaging part ng GMA supershow ni kuya germs (ang pinalitan ng SOP), try ninyo manuod ng walang tulugan ni kuya germs at watch niyo ang FOLLIES DE MWAH..ganun sila ka grabe magproduction numbers...ang difference? puro babae ang belle star dancers

9. mga cartoon sa channel two--name it, sinubaybayan ko siya..cedie, princess sarah, julio at julia, akazukin chacha, mirmo de pon! (na isa sa paborito ko)...hindi ko gaanong gusto yung mga anime na ang hitsura ng mga bida ay sobrang guwapo at maganda..mas gusto ko yung may redeeming value ang story sa huli..at pambata..yung iba kasing anime brutal. isa sa tumatak sa isip ko ay yung bata na nagtitinda ng gatas at may malaking aso, tapos sa huli ay namatay sa loob ng simbahan. umiyak ako dun..sa mga recent cartoons ng channel two, ang gusto ko naman ay yung cooking master boy at yung nagbe-bake ng tinapay (alam niyo na siguro kung ano ang gusto kong pag-aralan sakali mang magkaroon ako ng pera...hindi naman ako matanggap sa tesda kasi nagta-trabaho raw ako sa isang malaking kumpaniya..kaya naman kahit credible ang credentials ko, nasa waiting list ako..priority kasi yung mas poor kesa sa akin)..

10. yung maliit na bilog sa kanang ibabang bahagi ng tv screen sa 'kapwa ko mahal ko'--aliw na aliw ako dun sa nagsa-sign language na yun..ang hindi ko lang maintindihan, bakit ang liit nung figure,,kaya kung pipi ka at gusto mong maintindihan ang pinagsasabi sa naturang show, kailangan lumapit ka sa tv screen, na maari mo namang ikalabo ng mata...at nagulat ako kasi nung bago ang bagyong ondoy ko lang nalaman na mayruon pa palang kapwa ko mahal ko sa tv..yun nga lang, di ko sure kung andun pa yung nagsa-sign language sa mga episode nila

11. mara at clara (at mga teleserye ni judy ann santos)--ewan ko bakit tinawag nilang baduy ang panunuod ng ganito, pero i have to admit mas may sense ang mga teleseryeng pinoy kesa sa mexican telenovela (apat na mexican telenovela lang talaga ang pinanuod ko from start to finish--chabelita, ruby na mayruong bida na tila kontrabida ang ugali, rosalinda at yung parang betty la fea ang istorya na ipinalabas sa channel two, yung panget ang bida pero sobrang ganda ng puso niya tapos gumanda siya sa huli...note: executives of telemundo have noted na ang laki ng ikinaganda ng mga teleserye na gawa sa pilipinas..2 ang pinoy made drama series ang nasa final nominees ng international emmy's this year, mas madami pa kesa sa galing sa mexico)

12. mga singing contest sa tv--star for a night, search for a star, star in million, search for star in a million, little big star, phillipine idol, pinoy pop superstar, pop star kids..lahat yan, buong puso kong sinubaybayan (pinoy idol lang ang ayaw ko, swear.)..in fact, sauladong saulado ko na nga ang mga tipo ng kanta na ginagamit sa mga yan, maging ang comment ng judge..na kailangan, namamaximize ng piyesang ginamit ang kakayanan ng boses, enjoy the performance, dapat maramdaman ng tao ang kinakanta mo kahit nakikita ka lang at hindi naririnig.naman, kung pwede lang sana magbuild up na lang ako ng singer, ginawa ko na.

13. bading na kung bading, pero ang mga beauty contest--pinakamemorable sa akin ang binibining pilipinas kung saan nanalong binibining pilipinas universe si dindi gallardo sa hindi maipaliwanag na dahilan.ligwak na ligwak siya nuon sa akin..kaya naman hayun nung sumali sa miss universe, hindi man lang lumampas kahit sa 8.5 ang grade sa evening gown at swimsuit (di ba nuon, kapag nagpakilala, may lalabas na preliminary score nila sa evening gown at swimsuit)...at oo, pakiramdam ko talaga, dinaya si sharmaine ruffa gutierrez nuon. kaya naman nasa puso ko pa rin ang mga pamatay na linya niyang 'if i become miss world, ill be the happiest person in earth, for sure it will change me in many ways, but definitely my sentiments to my family, friends, loved ones and fans in the philippines will still be the same. thank you.' at ang sagot niya kay vanessa williams sa tanong nito na kung ano ang sasabihin sa isang taong may mababang self esteem na 'to believe in herself, its not only physical beauty that's important,but also inner beauty.like what the little prince said, what is essential is invisble to the naked eye.and i believe that character and personality is more important than physical beauty.'

14. mga palabas sa channel nine kapag holy week--dati, channel nine (at five kung minsan) ang may palabas kapag semana santa. at ang palabas dito ay mga pilgrimage sa kung saan saan..aliw na aliw ako sa kakapanuod nuon, kasi parang nakapagtravel na rin ako sa mga lugar na alam kong ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naman mapupuntahan...oo, pangarap ko nuon na makapagbiyahe sa ibat ibang bansa, tapos alamin yung kultura nila, yung history nila. kaso alam kong hanggang sa pangarap na lang yung ganun kasi mahirap ang buhay.

15. ang pinakamatindi na yata ay ang mga commercial nuon--siyempre, kinalakihan ko ang commercial ng nail polish na nagpapakita ng mga babaeng nakadrawing tapos unti unting magiging tunay na tao...ang shiboom, shiboom, lalalalala, shiboom, shiboom commercial ng isang beer...ang umanoy wallet maswerte (na ngayon ay nirevive ulit, at medyo parang kaboses ni mark bautista yung kumanta)...ang i can feel it, shwak (sabay move ng ulo na basang basa ng tubig na tila ba may mahabang buhok) commercial ng isang beauty product...ang commercial ng isang door-to-door salesman na nagbebenta ng kung ano anong gamit sa bahay (im gonna knock on your door, ring on your bell, tap on your windows too..)...yung kutson na dinadaanan ng pison...yung brand ng isang toyo na matindi ang recall factor hindi dahil sa chinese name nito, kundi yung monotonous na tono ng pagsasabi ng tagline nito...ang commercial ng tatay ni zsa zsa padilla na tungkol sa isang brand ng alkohol...dalawang commercial ang lubos na tumatak sa akin...yun ay yung commercial ng royal tru orange na mayruong kanta ni francis magalona (katarungan..ito ang gusto ko..kapayapaan..ito ang gusto ko) at yung united american tiki tiki...memorable yung sa royal kasi papunta kami nuon sa rizal nang makita naman na nagshu-shooting nuon...sakay lang kami ng dyip ng mga kaanak ko at pinara pa kami para bigyan kami ng isang case ng royal..mismong si francis m pa ang naglagay sa dyip nung case...hindi namin alam na shooting yun. after two days, nakita na lang namin sa tv yung commercial...yung tiki tiki naman, ewan ko, pero minsan out from nowhere at makakita ako ng malusog na baby, napapakanta na lang ako ng "United American Tiki Tiki...Pampalusog ng iyong baby...United American Tiki Tiki...Tiki Tiki for baby!".. (siguro dahil napapangitan ako sa pangalan, tiki tiki)


ikaw, ano yung mga palabas sa tv ang nagbibigay sa iyo ng magandang ala-ala ng iyong kabataan? gawa ka rin ng post na tulad nito, tapos gawan mo ng link itong post na ito at balitaan mo ako...dali, para close tayo..hehehe